Manila, Philippines – Sangkaterbang ebidensya ang iprinisinta ng gobyerno para patunayan na may sufficient factual bases sa nagaganap na rebelyon sa Mindanao.
Ito ang paniniwala ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kasunod na rin ng inaasahang pagpapalabas ng Korte Suprema ng desisyon hinggil sa legalidad ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao
Ayon kay Aguirre – buo ang kanyang loob na kakatigan ng Supreme Court ang pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao.
Matatandaan na nuong May 23, idineklara ni Pangulong Duterte ang martial law sa Mindanao sa loob ng 60 araw dahil sa pag-atakeng inilunsad ng mga teroristang grupo sa pangunguna ng Maute group sa Marawi City sa hangarin na makapagtayo roon.
Facebook Comments