Taxi rumagasa sa Boston, U-S-A…sampung sugatan dinala sa ospital

86

World – Patay ang isang katao habang anim ang nasugatan sa insidente ng pamamaril sa Toulouse, France.

Batay sa report – nakasakay ng scooter at motorsiklo ang dalawang suspek nang bigla na lamang pagbabarilin ang mga tao sa abbal square.

Nabatid naman na ang nasawi ay suspek sa isang kaso ng murder na nangyari noong nakaraang taon.


Samantala, sampung katao naman ang nasugatan matapos na araruhin ng isang taxi ang mga taong nag-aabang ng taxi sa Logan International Airport sa Boston.

Hawak na ngayon ng Massachusetts state police ang driver ng taxi na posible umanong nagkamali ng tapak sa preno, dahilan para umabante ng matulin ang sasakyan.

Facebook Comments