Legalidad ng pagbili ng PS-DBM ng mechanical ventilators at iba pang kagamitan bilang pandemic supplies, kinuwestiyon sa Senado

Kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang legal na basehan sa ginawang pagbili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management o PS-DBM ng mechanical ventilators at iba pang kagamitan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance, sinabi ni Drilon na hindi naman kasama ang mga gamit na ito sa sinasabing pandemic supplies na idineklara ng Government Procurement Policy Board na pwedeng bilhin ng PS-DBM.

Kasunod nito, inihayag ni PS-DBM Officer-in-Charge Joshua Laure na ang abogado na ng kanilang tanggapan ang makakasagot sa tanong ni Drilon dahil papasok na ito sa legal issue.


Ipinaliwanag pa ni Laure na bagama’t hindi nga ito kasama sa pandemic supplies ay mayroon silang Memorandum of Agreement ng Department of Health para sa mga nasabing gamit.

Facebook Comments