Manila, Philippines – Kinuwestiyon ni Senador Joel Villanueva ang legalidad ng pagtaas ng toll fee na ipinatupad kamakailan sa North Luzon Expressway o NLEX.
Ito ay makaraang tumaas ng 25 sentimos kada kilometro ang singil sa NLEX simula nang maipatupad ang toll hike noong Nobyembre 6.
Nais ding mabatid ni Villanueva kung may sapat na abiso at public consultation na isinagawa ang Toll Regulatory Board o TRB bago inaprubahan ang nasabing toll increase.
Diin ni Villanueva, ang naturang pagtaas ng toll fee ay hindi makatarungan at pasakit sa taumbayan.
Ikinatwiran pa ni Villanueva na sa dami ng dumadaang sasakyan sa NLEX ay hindi malayo na magkaroon ng ‘domino effect’ ang pagtaas ng toll fee sa presyo ng mga pangunahing produkto na ibinabyahe sa NLEX.