Bumalik na sa normal ang operasyon ng Legazpi Airport sa Albay matapos ang clearing operations sa pinsalang iniwan ng Bagyong Rolly.
Kinumpirma naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nananatiling suspendido ang operasyon ng Virac Airport sa Catanduanes simula pa noong Sabado, October 31, bago tumama ang Bagyong Rolly sa Bicol Region.
Nananatili ring sarado ang Naga Airport sa Camarines Sur matapos magtamo ng matinding pinsala ng bagyo ang passengers’ terminal building ng paliparan.
Kabilang dito ang fire station building, administration building, habang nagtamo rin ng malubhang pinsala ang parking area.
Tinatayang aabot sa 5.5 million pesos ang halaga ng pinasala ng nasirang bubong at glass panel ng Naga Airport dahil sa malakas na hampas ng hangin.
Samantala, wala naman naiulat na pinsala sa mga paliparan sa Marinduque, Romblon, Calapan, Mamburao, Pinamalayan, San Jose, Iba, Plaridel at Lubang
Wala ring naitalang pinasala sa Area Center 8 Airports sa Eastern Visayas tulad ng Biliran, Borongan, Calbayog, Catarman, Catbalogan, Tacloban, Guiuan, Holongos, Maasin at Ormoc Airport.
Wala ring naitalang pinasala sa Area Center 2 Airports (Bagbag Airport sa Nueva Viscaya, Palanan Airport, Cauayan Airport sa Isabela, at Tuguegarao Airport).
Gayundin, ang Area Center 1 Airports sa Basco at Itbayat kung saan walang naging typhoon signal doon.