Legazpi City, isinailalim sa state of calamity

Inilagay na sa state of calamity ang Legazpi City, Albay dahil sa dumaraming insidente ng rabies.

Ayon sa City Veterinary Office, mayroon lamang isang kaso ng canine rabies, ngunit ikinukunsidera itong nakakaalarma dahil mabilis itong kumalat.

Nasa 8,000 mula sa 22,000 aso sa lungsod lamang ang nabigyan ng anti-rabies vaccines.


Ang lokal na pamahalaan ay ginagamit ang calamity fund para bumili ng anti-rabies vaccines.

Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga residente na bantayan ang kanilang mga alagang aso na hindi pa nababakunahan, talian o ikulong upang maiwasang makakagat ng tao.

Facebook Comments