Manila, Philippines – Nanganganib bawiin ng House Committee on Dangerous Drugs ang immunity na ibinigay kay Customs Broker Mark Taguba.
Itinuro ni Taguba ang mga BOC officials na sinasabing nakakatanggap umano ng suhol mula sa mga ipinapasok niyang containers.
Kinagabihan, kumambyo si Taguba at sinabing itinuro lamang niya ang mga opisyal dahil sila ang mga hepe ng opisinang binibigyan ng “tara” pero hindi raw ibig sabihin nito na tumatanggap sila mismo ng suhol.
Ayon naman kay Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, Chairman ng House Committee on Ways and Means na nag-iimbestiga sa P6.4B halaga ng shabu na lumusot sa BOC… pag-aaralan nila ang pagbabago sa rebelasyon ni Taguba.
Pwede raw itong maging batayan ng pagbawi ng legislative immunity ni Taguba ayon sa kongresista.
Pinarerebisa rin sa kamara ang listahang ibinigay ni Taguba na naglalaman umano ng mga listahan ng mga sinusuhulan umano niya.