LEKSYON! | Panibagong police officer na napatay sa buy-bust operation sa Zamboanga del Norte, dapat magsilbing aral sa mga tiwaling pulis

499

Dapat na magsilbing leksyon sa mga tiwaling pulis ang nangyari kay Police Supt. Santiago Ylanan Rapiz ang police officer na napatay sa buy-bust operation ng PNP CITF sa Dipolog City Zamboanga Del Norte.

Ito ang babala ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Ayon sa opisyal, nagpapatunay aniya ang mga ganitong operasyon na seryoso ang Philippine National Police sa paglilinis ng kanilang hanay laban sa iligal na droga at korapsyon.

Nakakalungkot pero hindi aniya titigil ang PNP sa paglinis sa kanilang hanay para tuluyan nang maubos ang mga tiwali.

Sa ngayon aniya mayroon pang 1,700 na mga pulis na binabantayan ang pamunuan ng PNP na posibleng sangkot sa katiwalian.

Facebook Comments