NBA | GSW, tinambakan ang Memphis Grizzlies, 117-101

Umiskor ng 27 points si Klay Thompson para ibigay sa defending champion Golden State Warriors ang 117-101 na panalo kontra Memphis Grizzlies sa NBA.

Gaya ng nakagawian, uminit ang opensa ng Warriors sa third quarter para iwanan ang Grizzlies at maitala ang kanilang ikasampung panalo sa labing-isang laro.

Ito rin ang ikawalong diretsong panalo ng Warriors na hindi naramdaman ang pagkawala ni Draymond Green sa line-up dahil sa injury.


Sa ibang laro, Panalo ang Oklahoma City Thunder, 122-116 kontra New Orleans Pelicans.

Wagi rin ang Denver Nuggets laban sa Boston Celtics, 115-107 at sinilat ng Houston Rockets and Indiana Pacers, 98-94.

Facebook Comments