Lending Company, Hinimok na Magbigay ng Konsiderasyon sa mga Nakautang

Cauayan City, Isabela- Hinikayat ni Quirino Governor Dakila Carlo Cua ang mga kumpanyang nagpapautang na pahabain ang kanilang pasensya at magbigay ng palugit sa mga taong may pagkakautanga na wala pang pambayad dahil sa nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

Ito ay panawagan sa mga lending institution na kung maaari ay ipagpaliban muna ang paniningil ng utang para magamit ng mga may pagkakautang ang kanilang pera sa pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, hindi saklaw ang *loan moratorium* o hindi paniningil ng pautang ng financial institutions.


Paliwanag ni Cua, kung mayroon man kasunduan sa nakaraan ay hindi masisiguro na makakapagbayad ang mga ito habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lalawigan na karamihan ay walang kinikita.

Ayon pa sa gobernador, dapat tinutulungang umangat ang mga nangungutang para siya ay kumita at makapagbayad.

Facebook Comments