Nagtungo ng Itbayat, Batanes si Bise Presidente Leni Robredo upang bisitahin ang mga nabiktima ng lindol.
Sa isang statement na inilabas nitong Miyerkules ng umaga, ipinahayag ng opisina ni Robredo na pupunta siya ng Batanes upang personal na imbestigahan ang mga nasirang imprastraktura dulot ng lindol.
“Vice President Leni Robredo is now in Itbayat, Batanes to personally inspect the damage of the earthquake and to distribute relief goods to the affected community,” ayon sa statement.
Nitong weekend ng Hulyo, niyanig ang Batanes ng dalawang lindol na 5.4 at 5.9 magnitude at isang aftershock na 5.9 magnitude.
Umabot sa P47 milyon ang naiwan na pinsala ng lindol. Naitala naman ang walong tao na patay at 63 na katao ang nasugatan.
Dineklara naman na State of Calamity ang Batanes dahil sa mga napinsala ng lindol. Nakatira naman pansamantala ang dalawang libong pamilya sa mga tent, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Matatandaan ding humingi ng donasyon si Robredo para sa mga nabiktima ng lindol na inanunsiyo niya sa weekend radio show na “BISErbisyong Leni”.
Bukod sa kaniyang Angat Buhay program, nagbibigay ng tulong o relief goods si Robredo sa mga nasasalanta ng bagyo, pagputok ng bulkan sa Albay at mga landslide.