Nilinaw ni Bise Presidente Leni Robredo ang mga kumakalat sa social media na bumaba ang kaniyang trust ratings.
Ani Robredo, tumaas ng 11% ang kaniyang trust ratings at hindi bumaba ito na ayon sa ilang netizen na nagbahagi sa social media.
Iklinaro niya ito sa kaniyang Twitter at sinabing fake news ang kumakalat na balita.
Not true, I never said this. Obviously fake news. Our trust ratings actually rose by 11%. A majority of Filipinos are satisfied with the work that we do in our office and we will continue to do the work needed to reach those in the margins. pic.twitter.com/1dX08spMDy
— Leni Robredo (@lenirobredo) July 30, 2019
“Not true, I never said this. Obviously fake news,” pahayag ni Robredo.
“Our trust ratings actually rose by 11%. A majority of Filipinos are satisfied with the work that we do in our office and we will continue to do the work needed to reach those in the margins,” dagdag niya.
Ayon sa Pulse Asia survey, tumaas ang trust ratings ni Robredo mula 49% approval rating na naging 55% at trust rating na mula 47% na naging 52%.
Itinala naman ng Social Weather Stations survey na bumaba ng 14 puntos si Robredo sa net satisfaction rating sa pangalawang kwarter ng taon.