Lente, umaasang matatapos ang random manual audit sa loob ng 15 araw

Umaasa ang Legal Network for Truthful Elections (Lente) na matatapos sa loob ng 15 araw ang manu-manong pagbibilang ng mga boto sa ilang piling clustered precincts.

Ang Lente ay citizens’ arm ng Commission on Elections (Comelec) nitong 2019 midterm elections.

Ayon kay Lente Executive Director Rona Caritos – sakaling magkaroon ng pagbabago sa schedule ay magbibigay sila ng update sa mga stakeholders.


Umaasa si Caritos na wala nang makitang problema lalo na sa logistics.

Iginiit din ni Caritos na hindi pwedeng i-extend ang operational hours dahil iniisip din nila ang kapakanan ng mga guro.

Ang random manual audit (RMA) ay sinisimulan ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.

Facebook Comments