PRRD, hindi magho-host ng party para sa mga inendorso niyang kandidatong nanalo nitong eleksyon

Hindi pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang party para sa kanyang mga inendorsong kandidatong nanalo nitong 2019 midterm elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – wala sa karakter ng Pangulo na mag-host ng mga ganitong uri ng aktibidad.

Aniya, mas gugustuhin ng Pangulo na manatili sa bahay nito.


Matatandaang nasa siyam mula sa 12 senate seats ay inaasahang mapupunta sa administration candidates base na rin sa partial at unofficial tally of votes ng Commission on Elections (Comelec).

Facebook Comments