Leptospirosis, dapat iwasan ngayong tag-ulan

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga sakit na nakukuha ngayong panahon ng tag-ulan partikular ang leptospirosis.

Ugaliing gawin ang “seal up, trap up, at clean up.”

Seal up – takpan ang anumang butas sa loob at labas ng bahay upang maiwasang makapasok ang mga daga o rodents.


Trap up – maaaring hulihin ang mga peste sa pamamagitan ng mga patibong.

Clean up – ugaliing linisin ang kapaligiran.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang leptospirosis ay maaaring mapasa sa tao sa pamamagitan ng pagpasok ng tubig na kontaminado ng ihi sa mga sugat, mata, ilong o bibig.

Facebook Comments