Operasyon ng PhilHealth, magpapatuloy

Tiniyak ng Malacañan na hindi hihinto ang operasyon ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Ito ay kahit hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ng mga opisyal nito dahil sa maanomalyang ‘ghost’ claims.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles – tatanggapin lamang ang courtesy resignation ng mga concerned PhilHealth official kung mayroong hahalili sa kanila para matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo.


Aniya, hindi maaaring magkaroon ng “vacuum” sa PhilHealth.

Dagdag pa ni Nograles – hindi basta-basta maaaring bakantehin ang pwesto sa PhilHealth dahil baka makaapekto ito sa operasyon ng ahensya.

Facebook Comments