LEPTOSPIROSIS | Paggamit ng prophylaxis antibiotic ngayong panahon ng baha, ipinaalala ng DOH

Manila, Philippines – Kasabay ng mga pagbahang nararanasan sa bansa bunsod ng habagat, muling nagpaalala si Health Secretary Francisco Duque III sa mga lumulusong sa baha kaugnay sa prophylaxis antibiotic o ang preventive measure upang makaiwas sa leptospirosis.

Ayon kay Duque, kahit low risk o yung mga walang sugat na indibidwal na lumusong sa baha ay kailangan pa rin uminom ng 2 capsule ng doxycycline sa loob ng 24-72 oras upang makasiguro.

Aniya, hindi nagbibigay ng antibiotic ang mga pharmacy nang walang reseta ng doktor, kaya at makabubuti na magtungo agad sa pinakamalapit na health center upang humingi ng reseta o gamot.


Ayon sa kalihim, mayroong mga panglunas sa mga health centers ng bawat siyudad dahil mandato dapat ng mga LGUs na matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Sa oras aniya na maubusan ng gamot ang mga health centers na ito, dito na papasok ang DOH upang punan ang mga kakulangan.

Facebook Comments