“Less Fortunate Students” ng San Luis Integrated School, Inabutan ng Tulong

Cauayan City, Isabela- Personal na inabot at ipinasakamay ng mga tauhan ng Cauayan City Police Station sa pangunguna ni PCMS Maria Cacal, HRAO PNCO ang tulong gaya ng mga school supplies, damit, tsinelas at grocery packs sa mga kapus-palad na mag-aaral ng Brgy. San Luis Integrated School sa Lungsod ng Cauayan.

Ito ay bahagi ng Project BUKLAT-MULAT (Libro ay BUKLATin- Mag-aral Upang Landas Ay Tumuwid) ng kapulisan para maipakita ang suporta sa komunidad ngayong panahon ng pandemya.

Kasama rin sa nasabing aktibidad ang Kapitan ng Barangay na si Ginoong Kevin Mallillin.


Naging katuwang ng PNP Cauayan City sa nasabing proyekto ang mga stakeholders at ng Advocacy Support Group sa Lungsod.

Tinanggap ng mga piling estudyante ang mga nasabing tulong sa himpilan ng pulisya ngayong araw ng Linggo, Disyembre 26, 2021.

Facebook Comments