“Let’s Vote Pinas” voters education program, inilunsad ng COMELEC at SM Supermalls

Magsasagawa ang Commission on Elections (COMELEC) ng demonstration ng mga vote counting machine (VCM) sa SM Mall of Asia.

Ito’y bilang bahagi ng Memorandum of Agreement (MOA ) signing ng COMELEC at SM Supermall para sa programang “Let’s Vote Pinas” na isang voters education program para sa nalalapit na halalan.

Ilan sa mga dumalo sa naturang aktibidad ay sina COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, Commissioner Marlon Casquejo, Dir. James Jimenez at Executive Director Atty. Bartolome Sinocruz Jr.


 

Kasama rin sina SM Supermalls President Mr. Steven Tan at Senior Vice President Mr. Bien Mateo.

Sa pahayag ni Chairman Pangarungan, malaking tulong ang pakikipag-partner ng COMELEC sa SM dahil mabibigyan ng kaalaman ang mga botante lalo na ang mga first time voters kung paano bumoto gamit ang automated election system.

Sinabi naman ni Mr. Mateo na makakaasa ang COMELEC na makakatuwang nila ang nasa 78 SM malls sa buong bansa sa programang “Let’s Vote Pinas” kung saan isa din itong paraan para maipalaganap ang ligtas at mapayaang pagdaraos ng halalan.

Ayon kay Mr. Tan, sa simula pa lamang ng voters’ registration ay sumusuporta na ang SM sa mga programa at aktibidad ng Comelec kaya’t asahan na hanggang sa matapos ang 2022 National and Local Elections ay naka-alalay ang kanilang kompaniya.

Isa rin sa layunin ng voter’s education program na “Let’s Vote Pinas” ay upang ma-experience mismo ng personal ng mga botante lalo na ang first time voters kung paano ang paggamit ng mga VCMs.

Kasama rin dito ang pagbibigay ng ilang payo o tips upang hindi masayang ang pagboto kung saan hinihimok ng COMELEC na subukan ng publiko ang mga VCMs na makikita sa SM malls.

Facebook Comments