Deadline sa paghahain ng ITR, hindi na palalawigin ng BIR

69

Hindi na palalawigin pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline ng paghahain ng annual income tax returns (ITR) ngayong taon.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Atty. Marissa Cabreros, wala ng pagpapalawig sa deadline na iniurong ngayong araw dahil tumapat ng Biyernes Santo ang April 15.

Aniya, papayagan naman ang mga taxpayer na amyendahan ang kanilang ITR hanggang Mayo 16 ng walang penalty.


Maaaring maghain at magbayad ng ITR ang mga taxpayer sa mga awtorisadong agent bank ng BIR at sa mga revenue collection officers (RCOs).

Facebook Comments