LETTUCE NA TANIM NG MGA MAGSASAKA SA SAN FABIAN, PATOK SA KADIWA CENTER

Patok ngayon sa Kadiwa Center ang fresh at organic na lettuce na itinanim mismo ng mga lokal na magsasaka mula sa Brgy. Lekep Butao, San Fabian

Gamit ang hydroponic farming, isang makabagong teknolohiya sa agrikultura na hindi nangangailangan ng lupa, mas napapanatili ang kalidad at kalinisan ng kanilang pananim.

Dahil diretso mula sa mga magsasaka, mas mura itong mabibili sa halagang PhP 35 kada bugkos o 3 for PhP 100—perpekto para sa salad at samgyupsal lovers!

Malaking tulong ang Kadiwa Center sa mga lokal na magsasaka, dahil dito nila direktang naibebenta ang kanilang produkto bukod sa palengke. Bukod sa lettuce, mabibili rin dito ang iba’t ibang sariwang gulay, calamansi juice, asin, cacao chocolates, handicrafts, tuyo, at marami pang iba. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments