Level ng tubig sa Angat Dam, nababawasan ayon sa PAGASA

 

Patuloy pa rin nababawasan ang antas ng tubig ng Angat Dam batay na rin sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeorology Division.

Ayon sa PAGASA, nababawasan ng dalawampu’t apat na sentimetro ang Angat Dam kaninang alas-sais ng umaga.

Paliwanag pa ng PAGASA, ang antas ng tubig ng Angat Dam ay nasa 206.87 meters kanina mas mababa sa 207.11 meters na level kahapon ng umaga.


Nasa 5.13 meters na ang agwat ng Dam mula sa normal high water level nito na 212 meters.

Pero, malayo pa ito sa 180 meters na minimum operating level ng Angat Dam .

Maliban pa sa Angat Dam, nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo, La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.

Facebook Comments