Leyte Representative Martin Romualdez, kwalipikadong tumakbo bilang bise presidente ayon kay Arroyo

89

Inihayag ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo na kwalipikado na tumakbo bilang bise presidente si House Majority Leader at Leyte Representative Martin Romualdez.

Ayon kay Arroyo, nagagalak siyang pinaboran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuporta kay Romualdez sakaling tumakbo itong bise presidente sa darating na 2022 national elections.


Matatandaan na si Romualdez ang naging Presidente ng Lakas-CMD na political party ni Arroyo noong nakaupo siya bilang pangulo.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang mambabatas sa usaping tatakbo ito kasabay ni Davao City Mayor Sara Duterte sa susunod na taon.

Facebook Comments