LGBTQ MEMBER, NASAWI NOONG KASAGSAGAN NG BAGYONG NIKA

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang LGBTQ member habang kasagsagan ng Bagyong Nika noong ika-12 ng Nobyembre sa Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si alyas “Ana”, 32-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Arnold Talosig, nakatanggap ng emergency call bandang alas dos ng madaling araw ang kanilang hanay hinggil sa sitwasyon ng biktima.


Aniya, dahil umano sa nerbyos sa baha ay inatake ng sakit na asthma at sakit sa puso ang biktima.

Agad namang rumesponde ang kanilang hanay kasama ang Rescue 922 sa lugar kung saan nahirapan silang respondehan ang biktima dahil sa baha at nasa ikalawang palapag ito.

Dagdag pa niya, inabot ng tatlompung minuto bago tuluyang maitakbo sa hospital ang biktima dahil sa dulas ng daan at sikip ng lugar na kinalalagyan nito.

Samantala, sa kasamaang palad ay binawian ng buhay bandang alas 4 ng umaga ang biktima.

Facebook Comments