
Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Alaminos City laban sa pagbibiro tungkol sa bomba kasunod ng pagkalat ng ilang bomb threats sa lungsod noong nakaraang linggo na kalauna’y pinabulaanan matapos ang isinagawang imbestigasyon.
Ayon sa LGU, mahigpit na ipinagbabawal ang bomb jokes sa mga pampublikong lugar at maging sa social media alinsunod sa Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law, na nagtatakda ng pananagutang kriminal sa sinumang lalabag.
Sa ilalim ng batas, ang sinumang magpapakalat ng bomb joke ay maaaring makulong ng hanggang limang taon at magmulta ng hindi bababa sa P40,000.
Binigyang-diin ng pamahalaang lungsod na ang ganitong mga biro ay maaaring magdulot ng takot at kaguluhan, kaya hinihikayat ang publiko na maging responsable sa pananalita at sa mga ipinopost online upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










