Naglabas na ng advisory at executive order ang lokal na pamahalaan ng Anda matapos ang pagkapositibo ng coastal areas nito sa red tide toxin.
Saklaw nito ang temporary ban na nag-uutos sa mga residenteng huwag magharvest, magbenta, maging bumili ng mga shellfish products na nanggaling mismo sa bayan.
Ilang pang probisyon ang nakapaloob dito tulad ng pananagutan ng mga napatunayang lumabag sa ibinabang kautusan.
Agad ding nag-inspeksyon at nagsagawa ng red tide toxin information dissemination ang Bolinao Agriculture Office sa mga pamilihan sa bayan upang ipagbigay-alam ang mga nararapat na impormasyon upang maiwasan ang anumang insidente.
Naglabas na rin ng pahayag ang BUREAU of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 ukol sa hindi dapat pagkonsumo ng mga lamang dagat na apektado ng toxin upang makaiwas sa posibleng epekto nito sa kalusugan tulad ng paralytic shellfish poisoning.
Iginiit sa mga residente ang hindi dapat pagkuha, at pagbenta ng lahat ng uri ng shellfish at alamang.
Sa Kabila nito, ligtas namang kumain ng isda, pusit,Alimango, hipon basta mahugasang mabuti bago iluto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨