LGU assembly on social welfare protection sa ARMM!

Isinagawa ang unang round ng “Local Government Unit (LGU) Assembly on Social Welfare Protection” sa probinsya ng Sulu.
Ito ay sa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development-ARMM.
Sa asembleya ay nagtipon ang local government officials sa Sulu, beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), parent leaders at mga opisyales ng partner agencies tulad ng Integrated Public Health Office (IPHO) at Department of Education (DepEd), tinalakay doon ang mga iregularidad sa implimentasyon ng 4Ps, mga hindi at dapat gawin sa pagpapatupad ng programa.
Sinabi ni ARMM Executive Secretary and concurrent DSWD-ARMM Secretary Atty. Laisa Alamia, ang 4Ps stakeholders lalo na ang mga opisyales na mahuhuling gumagawa ng anomalya ay agad na tatanggalin sa pwesto at maaring maharap sa criminal charges.
Isasagawa ang kahalintulad na Assembly sa iba pang probinsya sa ARMM.
Ang LGU assembly ay isa sa mga tugon ng ARMM government sa Martial Law Instruction Order No. 01 na nagsasaad na palaganapin ang mabuting pamamahala.

Facebook Comments