Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union sa publiko ukol sa napapaulat umanong mga insidente ng mga indibidwal na gumagamit ng pekeng mayor’s permit.
Ibinahagi ng tanggapan na bukod sa pamemeke ng dokumento ay ginagamit pa ito upang makapanloko online.
Sinumang mahuli sa naturang illegal na pamemeke ng pampublikong dokumento ay maaaring makulong ng anim hanggang labing dalawang taon base sa Article 172 ng Revised Penal Code.
Abiso ng tanggapan na tiyakin na pumunta lamang sa mga opisina ng gobyerno upang makakuha ng mayor’s permit at maging mapanuri sa mga kahina-hinalang indibidwal na sumusubok makipag-transaksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments