LGU Bambang, Ipinatupad ang ‘Temporary Closure’ sa mga Paaralan

Cauayan City, Isabela- Nagpatupad ng ‘temporary closure’ sa lahat ng learning institutions sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya dahil sa tumataas na bilang ng mga positibo sa COVID-19.

Ito ay matapos ipag-utos ni Mayor Pepito Balgos sa kanyang inilabas na Memorandum na nakasaad simula April 19 hanggang 30 at ang pagsasailalim sa Work from Home arrangements ng mga empleyado.

Ayon sa alkalde, kinakailangan na magkaroon ng alternatibong paraan ng pagtuturo ang mga paaralan sa kanilang mga estudyante.


Giit ni Balgos,kinakailangang limitahan ang galaw ng mga residente upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus sa bayan.

Una nang isinailalim ang anim (6) barangay na kinabibilangan ng Buag, Banggot, Homestead, Calaocan at katabing barangay ng Almaguer North at Almaguer South sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, 153 ang aktibong kaso ng COVID-19;14 na ang naitalang namatay at 187 ang nakarekober sa sakit.

Facebook Comments