LGU BANI, MAAGA NANG NAGHAHANDASA POSIBLENG EPEKTO NG BAGYONG AMANG

Maaga pa lamang ay nagkaroon na ng pagpupulong ang mga kawani ng gobyerno sa bayan ng Bani ukol sa posibleng epekto ng Bagyong Amang.
Isinagawa sa nasabing bayan ang isang Pre-Disaster Risk Assessment kung saan pinag-usapan dito ang magiging hakbang ng mga kabilang sa aktibidad sakaling tumama na ito sa kanilang bayan o maging sa ibang bahagi ng Pangasinan.
Dito ay agad na inabisuhan ang lahat ng mga kawani ng gobyerno lalong lalo na sa mga responders ng dayan maging ang mga barangay officials upang maghanda at magplano na lamang ng pag-imbak ng pagkain, pagputol sa mga malalaking sanga ng puno na maaaring bumagsak sa kabahayan o kalsada, go-bag na may laman ng lahat ng kailangan, pagtatali ng mga parte na bahay na maaaring liparin ng malakas na hangin at magsagawa ng pre-emptive evacuation kung kinakailangan.
Makinig at manood sa mga ulat panahon upang magkaroon ng balita ukol sa bagyo.
Sa ngayon, naka-blue alert status ang buong rehiyon uno dahil sa maaaring epekto ng kauna-unahang bagyong ito sa bansa.
Facebook Comments