21-ANYOS NA ESTUDYANTENG BABAENG BACKRIDE, PATAY MATAPOS OVERTAKE-AN NG SINAKYAN NITONG MOTORSIKLO ANG ISANG BUS SA BAYAN NG TAYUG

Patay ang isang babaeng estudyante na backride matapos overtake-an ng sinakyan nitong motorsiklo ang isang bus sa bayan ng Tayug.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa imbestigador ng insidente sa Tayug Ps na si PCpl Jun Mark Balbin , naganap ang insidente nitong ika-5 ng Abril kung saan ayon sa kanilang imbestigasyon, nag-overtake ang motorsiklo na minamaneho ni Shaina Matas Saingan at ang backride nitong si Julie Dulay Pedro, parehong 21-years old at napag-alaman na galing umano ang mga biktima sa kanilang kaklase dahil nag-overnight umano sila dito.
Ayon pa sa imbestigador, pinilit umano ng mga nakamotor na lagpasan ang bus ngunit nasagi ng bus ang kanilang gulong at dito na nagkaroon ng insidente na nagulungan at pumailalim pa ang backride na si Julie, dito na rin ito binawian ng buhay.
Sugat naman sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng driver ng motor ang tinamo nito.
Dagdag pa ng imbestigador, hindi rin umano nakasuot ng helmet ang mga nakamotor.
Iginiit naman ng driver na mabilis ang takbo ng motor at dahil mabilis din ang takbo nito ay hindi nahirapan na rin itong mag-preno. Samantala, nagkaroon na ng aregluhan sa magkabilang panig at hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya na biktima.
Facebook Comments