LGU Bontoc, Kwalipikado sa Performance-Based Bonus ng Pamahalaan

Cauayan City, Isabela- Tanging ang Bontoc Municipal Government sa buong Cordillera Region ang kwalipikado sa pagkakaroon ng Performance-Based Bonus (PBB) mula sa national government.

Dahil dito, nagpalabas ng Memorandum si OIC Regional Director Araceli San Jose ng Department of the Interior and Local Government – Cordillera Administrative Region (DILG-CAR) upang ipaalam sa kanila ang mga LGU eligible sa PBB sa Fiscal year 2020 na ipagkakaloob taong 2021.

Sa bilang na 209 mula sa 486 Municipalities, tanging ang LGU Bontoc sa CAR ang qualifier sa nasabing PBB dahil naipasa nila ang required standards.


Una nang naipasa ng LGU Bontoc ang seven areas award ng Seal of Good Local Governance (SGLG) Awardee na kinabibilangan ng Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order; Business Friendliness and Competitiveness; Environmental Management; and Tourism, Culture, and the Arts na mataas na parangal na ibinibigay ng DILG.

Ito na umano ang ikalawang pagkakataon na tatanggap ng PBB grants ang Bontoc.

Ang Performance-Based Bonus ay ibinibigay sa mga empleyado base sa kanilang performance at kontribusyon para sa mga accomplishments ng kanilang department’s overall targets and commitments.

Iba ito sa Mid–year and Year-end Bonus na natatanggap ng mga empleyado anuman ang kanilang performance.

Facebook Comments