LGU Cauayan, Aayudahan ang mga Biktima ng Aksidente!

97

Cauayan City, Isabela- Handang magbigay ng ayuda ang Pamahalaang Lungsod ng Cauayan sa mga biktima ng nangyaring aksidente sa Sitio Buduan, Brgy. Linlingay sa nasabing siyudad.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan magbibigay ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Cauayan sa pangunguna ni Mayor Bernard Dy upang makatulong sa mga naging biktima ng aksidente.Ito ay upang matugunan ang mga kakailanganin sa kanilang pagpapagaling.


Magugunita na noong Hunyo 2, 2019 ng hapon ay bumaligtad ang isang Elf Truck na minamaneho ni German Tagata lulan ng 28 na katao at ikinasawi naman ng isang 14 anyos na babae na si Tina Joy Tejada na residente ng nasabing barangay.

Pansamantala namang nakalaya ang driver ng elf truck matapos itong makapagpiyansa kahapon, June 4, 2019.

Facebook Comments