Cauayan City, Isabela- Nakahanda ang Lokal na Pamahalaan ng Cauayan sa muling pagbubukas ng operasyon ng Domestic Airport at mga hotels sa siyudad.
Ayon kay City Mayor Bernard Dy, isasailalim sa rapid testing ang mga uuwi sa lungsod lulan ng mga bus at eroplano bago ito dalhin sa mga isolation facilities.
Dagdag ni Dy, may isolation facilities ang inilaan ng LGU na kinabibilangan ng Bahay Silangan, ISU-Cauayan Campus at Rural Health Unit 3.
Pinapayagan din ang mga cauayeño na magcheck-in sa mga hotels kung nais ng mga ito na maging komportable at walang kasama sa isolation subalit mananatiling sariling gastos nila ito.
Kinakailangan namang isailalim sa rapid test ang mga uuwing hindi taga-cauayan sakaling walang maipakitang health certificate mula sa pinanggalingang lugar.
Manantili naman sa mga pasilidad ang mga uuwi mula sa ibang lugar sakaling hindi sila masundo ng LGU na kanilang kinabibilangan.
Hiniling din nito na sumunod sa mga ipatutupad na mga protocols para kaligtasan ng lahat laban sa banta ng COVID-19.