LGU CAUAYAN NAGSAGAWA NG LIBRENG CIVIL SERVICE ELIGIBILITY EXAMINATION REVIEW

Kasalukuyang nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Cauayan City ng libreng Civil Service Eligibility Examination Review para sa mga kabataang Cauayeño.

Ito ay nagsimula ngayong araw, Agosto 1 hanggang Agosto 4, 2022.

Ang CS review ay face-to-face na ginaganap sa Bamboo Hall ng Cauayan City hall at maari ring mapanood at sumali ng live sa PYDO Isabela Facebook page.

Ang naturang programa ay pinamunuan ng City Government ng Cauayan sa pamamagitan ng City Youth Development Office, City SK Federation Bamboo, Local Council for the Protection of Children and JCI Cauayan Bamboo katulong ang Youth Development Office of the Provincial Government of Isabela.

Ayon sa Civil Service Commission (CSC), ang susunod na Civil Service Examination pen and paper test para sa professional at subprofessional ay nakatakda sa Agosto 7, 2022.

Facebook Comments