LGU Cauayan, Nakiisa sa National Arbor Day 2019!

*Cauayan City, Isabela*- Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Cauayan sa pagdiriwang ng National Arbor Day o Tree Planting na may temang “ Green Economy, Does Include you? “ na layong mapanatili ang magandang inang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim na idinaos sa ginagawang Cauayan City Sports Complex sa Brgy. Tagaran sa nasabing siyudad bandang 6:00 ng umaga kanina

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Alejo Lamsen, may kabuuang 300 seedlings ng puno ng Mahogany ang naitanim bilang bahagi ng nasabing pagdiriwang.

Ayon pa kay Engr. Lamsen, masusundan pa ang nasabing pagtatanim sa buwan ng Hulyo at Agosto sa parehong lugar.


Dinaluhan ito ng ilang mga miyembro ng PNP Cauayan, Philippine Air Force, Pribadong kumpanya, CSWD Volunteers, ilang mga kawani at opisyal ng LGU Cauayan.

Hinihikayat naman ng LGU Cauayan ang publiko na panatalihin ang pag aalaga sa inang kalikasan

Facebook Comments