LGU Cauayan, Nakikiisa sa ASEAN Awareness Month!

*Cauayan City, Isabela- *Nakikiisa ngayon ang Lokal na Pamahalaan ng Cauayan sa pagsusuot ng iba’t ibang uri ng kasuotan bilang bahagi ng ASEAN Awareness Month na layong palawakin pa ang bawat kultura ng bansa na binubuo ng nasabing asosasyon gaya ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore at Thailand.

Una rito, sinimulan na kahapon ng mga kawani ng pamahalaan ang pagsusuot ng iba’t ibang disenyo ng kasuotan matapos magpalabas ng kautusan ang Civil Service Commission.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Shery Ann Balmaceda, Human Resource Officer ng LGU Cauayan, tuwing lunes ay isasagawa ang nasabing kautusan kasabay ng pag-awit ng ASEAN Hymn ng mga empleyado.


Ayon pa kay Balmaceda, simula ngayong buwan ng Agosto hanggang Disyembre ay isasagawa ang pagsusuot ng mga iba’t ibang kasuotan ng mga empleyado.

Kasabay nito ay pinarangalan din ang ilang mga empleyado na napili na may pinakamagandang ASEAN Attire at inaasahang mapagkakalooban ang mga ito ng monetary award ng LGU.

Sa darating na Martes ay inaasahan na ang pagsusuot ng ASEAN Attire ng lahat ng kawani ng LGU.

Facebook Comments