*Cauayan City, Isabela- *Pirmado na nang Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang kasunduan na magbibigay ng karagdagang tulong para sa ilang mga indibidwal na walang kakayahang makapag-aral sa kolehiyo sa panguguna ni City Mayor Bernard Dy.
Una rito, pinirmahan ang kasunduan na magbibigay ng libreng kagamitan gaya ng mga school supplies at pagkain para sa mga ito.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Prescila Delima, Executive Officer ng ISU-Cauayan, ito ay “Munting Paaralan Program na bahagi ng extension program ng nasabing unibersidad upang mas matulungan ang mga nagnanais na bumalik sa pag aaral.
Ito ay sa kolabarasyon ng tanggapan ng City Social Welfare and Development at Food Bank ng nasabing Lungsod.
Hinihikayat naman ni Dr. Delima ang mga kabataan lalo na ang mga out-of-school-youth na bukas ang kanilang programa para maipagpatuloy ng mga ito ang pag-aaral at pangungunahan ito ng College of Education.