LGU Cauayan, Puspusan na ang Paghahanda sa CAVRAA 2020

*Cauayan City, Isabela*- Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang pagiging punong-abala ng lungsod sa nalalapit na pagdadaos ng Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) sa darating na Pebrero taong kasalukuyan.

Ayon kay Schools Division Superintendent Dr. Fred Gumaru ng SDO Cauayan, nagpulong na ang iba’t ibang komite upang talakayin ang lahat ng mga agenda sa nalalapit na aktibidad.

Sinabi pa niya na ito ay malaking aktibidad para sa mga estudyanteng atleta na magpapamalas ng talento sa iba’t ibang larangan.


Kinokonsidera naman ng LGU Cauayan na ang Sports Complex kung ito ay hindi matapos ay titiyakin pa rin na dito idaraos ang isa sa pinakamalaking sports event sa Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments