Cauayan City, Isabela- Patuloy ang pamimigay ng Local Government Unit (LGU) City of Ilagan ng subsidiya sa mga magsasaka na nagtatanim ng mais sa nasabing Lungsod.
Ang pamimigay ng farm inputs at cash assistance ay bilang bahagi ng programa ni City Mayor Jay Diaz sa mga marginalized farmer’s o maliliit na magsasaka ng mais.
Ang mga magsasaka na nagtatanim ng mais sa isang ektarya ay binibigyan ng libreng abono, corn seeds at cash assistance na walang interest na babayaran pagkatapos maani ang kanilang pananim.
Laking pasasalamat ng mga daan-daang magsasaka ng mais dahil sa ayudang subsidiya na ibinigay sa kanila ni Mayor Diaz.
Ang Lungsod ng Ilagan ang may pinakamaraming produksyon ng mais sa rehiyon kung kayat tinawag ito na corn capital.
Facebook Comments