LGU-City of Ilagan, Nominado sa Most Business Friendly sa Bansa!

Cauayan City, Isabela- Pasok sa finalist ang Lungsod ng Ilagan para sa ‘Most Business Friendly City 2019 mula sa mahigit isang daang Lungsod na magtutunggali sa buong bansa.

Napabilang ang lungsod ng Ilagan matapos idipensa at ilatag ni Mayor Jay Diaz ang kanilang innovation activities and program, proyekto at iba pang may kinalaman sa pagnenegosyo sa mga evaluators team ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mr. Ricky Laggui, GSO Officer ng Lungsod ng Ilagan, ito ay bahagi aniya ng magandang pamamalakad ni Mayor Diaz para sa patuloy na pagsulong ng City of Ilagan.


Aniya, mula noong taong 2017, 2018 at taong kasalukuyan ay halos tumaas ng 32% ang namumuhunan sa naturang Lungsod na nagpatayo ng kanilang negosyo.

Kabilang na rin sa pagkanominado ng Lungsod ay ang pagtatanghal bilang best City Police Station sa bansa ang syudad ng Ilagan kung kaya’t patuloy ang pagdagsa at pakikipag-ugnayan sa kanilang tanggapan ng mga local, national at international investors.

Facebook Comments