Matagumpay na nagsagawa ng site inspection ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Dagupan sa Barangay Carael ukol sa ipapatayong bagong dalawang palapag na gusali ng silid-aralan sa lungsod.
Matapos maipasa ang P1.3-Billion budget ng lungsod noong ika-26 ng Setyembre, umarangkada na rin sa pagpapatupad ang LGU ng iba’t iba nitong proyekto kung saan partikular na binisita ang Carael National High School sa nasabing barangay para sa itatayong bagong dalawang palapag na 6-Classroom School Building.
Maliban sa pagpapatayo ng bagong gusali ng paaralan, pinag-aaralan na rin ng LGU at ng City Engineering Office ang site development at ang pagpapataas ng kalsada maging ang lateral drainage sa lugar para masolusyunan ang problemang pagbaha sa barangay.
Ayon naman kay Mayor Belen Fernandez, asahan pa ang mga proyektong ipapatupad ng LGU sa kabila ng pagkakapasa ng budget. | ifmnews
Facebook Comments