LGU Datu Piang muling nakiisa sa Balik Baril Program ng 6th ID

Sampung mga assorted firearms ang boluntaryong isinuko ng mga residente mula sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao sa mga otoridad.

Kinabibilangan ito ng 2 60mm mortar, 4 M79 grenade launchers, 1 caliber .50 Barret, 2 9mm pistol, at isang 12-gauge shotgun.

Pinangunahan ang turn over ni Mayor Genuine Kamaong kasama sina Mechanized Infantry Battalion Commander Alvin G. Iyog at 601st Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Deosdado C. Carreon at mga opisyales ng PNP Maguindanao.


Isinabay ang aktibidad sa isinagawang Peace and Order Council and Anti-Drug Abuse Council meeting sa municipal gymnasium noong June 21.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakiisa sa balik baril program ng 6th ID ang Datu Piang, una noong April 7 na kinabibilangan ng 17 mga loose firearms.

Kampilan Pic

Facebook Comments