Seguridad ng Mga Miss Earth 2018 Candidates, Tiniyak ng PRO2!

*Tuguegarao City-* Tiniyak ng pamunuan ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang seguridad ng pagdating at pananatili ng tatlumpung kandidata ng Miss Earth 2018 dito sa rehiyon dos.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Superintendent Chevalier Iringan, ang Police Information Officer ng Police Regional Office 2 (PRO2) na pinaigting umano ng kanilang pamunuan ang direktiba para sa pagpapanatili sa seguridad ng mga bisitang kandidata.

Aniya, nasa limang araw umano na pananatili ng mga kandidata dito sa ating rehiyon para sa kanilang isasagawang mga Outreach Programs, Tree Planting at Resorts Wear and Talent Competition na isasagawa sa bayan ng Echague, Isabela.


Dagdag pa ni Iringan na nakahanda na rin umano ang pwersa ng kapulisan para sa final event ng mga tatlumpung kandidata ng Miss Earth 2018.

Facebook Comments