Lalaki Pinagbabaril ng Riding-In-Tandem, Patay!

* Cabatuan, Isabela* – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng Riding-In-Tandem bandang alas sais kagabi sa Brgy. Del Pilar, Cabatuan, Isabela.

Nakilala ang nasawing biktima na si Aristotle Lappay, 37 anyos, may asawa at residente ng District 2, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, habang naglalakad ang biktima kasama ang isang babae na kinilalang si Jessa Mansibang patungong Magat River at agad itong pinagbabaril ng maraming beses sa kanyang ulo na sanhi ng kanyang pagkamatay.


Agad namang tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa nangyaring insidente.

Facebook Comments