LGU Ilagan, Mas Pinaigting ang Contact Tracing dahil sa kaso ng UK variant

Cauayan City, Isabela- Tukoy na ng mga local authorities ang napaulat na nakapasok ang COVID-19 UK variant sa Isabela matapos itong ianunsyo ng Department of Health (DOH) Region 2.

Ang nasabing kaso ay naitala sa City of Ilagan kung kaya’t mas pinaigting ngayon ang ginagawang contact tracing dahil ayon sa ulat ay mas madali umanong makapanghawa ang naturang variant.

Sa ginawang pagpupulong ng City Inter-Agency Task force na pinanguhan ni Mayor Josemarie Diaz, ang mga pasyente ay sina CV9476 at CV9477 kung saan may kasaysayan ng paglalakbay mula sa Cordon, Isabela.


Maaaring nagkaroon ng exposure ang mga ito sa isa sa mga kaanak nila na nagpositibo sa RT-PCR test noon pang nakaraang buwan.

Ang nasabing kaanak ay na-expose naman sa kanyang magulang na may kasaysayan ng pagbyahe sa bansang London noon pang July 2020.

Gayunman, magaling na mula sa sakit ang dalawang pasyente o fully recovered na subalit magsasagawa pa rin ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha nila.

Sa pinakahuling kautusan ng LGU, isinailalim sa localized lockdown ang 44 barangay sa lungsod dahil sa dumaraming kaso ng virus.

Facebook Comments