LGU Ilagan, May Libreng Transport Service sa Kabila ng Enhanced Community Quarantine!

98

Cauayan City, Isabela- Magbibigay ngayon ng libreng sakay para sa mga Ilagueño ang pamahalaang panlungsod ng Ilagan sa kabila ng pinaiiral na Enhanced Community Quarantine dahil sa patuloy pa rin na banta ng Coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginoong Paul Bacungan, Information Officer ng City of Ilagan, sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.


Narito ang mga Pick up points Vice Versa:
-Alibagu to Xentro Mall
-Alibagu to Tabacalera (Centro San Antonio)
-Alibagu to San Juan Covered Court
-Alibagu to Sta. Isabela Covered Court
Ayon pa kay Ginoong Bacungan, mayroon pa rin susundin na oras ng pagbyahe.

Narito ang oras ng biyahe:
8:00-9:00 ng umaga
1:00-2:00 ng hapon
5:00-6:00 ng gabi

Nilinaw nito na PROYORIDAD lamang ang mga may importanteng lakad, mga bibili ng pagkain, gamot o mga pangunahing pangangailangan.

Kaugnay nito, mahigpit pa ring ipinapaalala na isagawa ang ‘Social Distancing’.



Facebook Comments