Sa ILOCOS NORTE: Ilang opisyal ng Gobyerno naka-Self Quarantine, bilang ng PUI umabot na sa tatlo

100

iFM Laoag – Naka-self-quarantine ang lahat ng opisyal sa Ilocos Norte na nakilahok sa convention ng Philippine Councilors League nitong nakaraang conference ng nasabing grupo.

Ito ay matapos mapabalitang isa sa mga dumalo ay naapektohan ng nasabing sakit at namatay ito.


Naka- self quarantine din si Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc dahil nanggaling ito sa Metro Manila at dumating noong sabado lamang petsa 14 nitong buwan.

Samantala, nakaalerto na sa ngayon ang mga kasapi ng Philippine National Police kabilang ang mga taga Department of Health hinggil sa checkpoint sa mga boundaries ng lalawigan.

Hinihingan ng I.D.s ang mga papasok kung ito ay residente sa probinsia o di kaya’y nagtratrabaho dito.
Pansamatala naming tigil ang pasada sa lalawigan, lalo na ang mga bus na may biyaheng Ilocos Norte-Manila at iba pang destinasyun. Mapayapa namang naipatupad ang curfew dito.

Sa ngayon, mayroon nang tatlong Person Under Investigation sa Ilocos Norte ayun sa DOH.

– Bernard Ver, RMN News


Facebook Comments