LGU ILAGAN, NAKAALERTO NA SA POSIBLENG PAGBAYO NI BAGYONG KARDING

Nagsagawa ng pagpupulong ang City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) sa atas na rin ni Ilagan City Mayor Josemarie ‘Jay’ Diaz nitong Biyernes, ika-23 ng Setyembre taong kasalukuyan bilang paghahanda sa bagyong Karding.

Pinangunahan ni Ginoong Butch Estavillo, CDRRMC Head ang nabanggit na pagpupulong kung saan tinalakay ang mga posibleng epekto ng nasabing bagyo at ang mga hakbangin bilang paghahanda.

Tiniyak ni Ginoong Estavillo na nakaalerto na ang bawat BDRRMC at inatasan naman ni Ilagan City Administrator Reynolds Lora ang City Social Welfare and Development Office, General Service Office, City Engineering Office, at iba pang department heads na maging alerto sa darating na mga araw.

Samantala, ayon sa PDRMMC Isabela, ang ating lalawigan ay makararanas ng katamtaman hangang sa malakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Karding at Hanging Habagat.

Patuloy naman na pinapaalalahanan ang mga mamamayan na mag-ingat at maging alertolalo sa mga nasa mabababang lugar para sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot nga ng Bagyong Karding.

Facebook Comments