ILIGAN CITY- Pinaboran ng lokal na pamahaalan dito salungsod ng iligan ang pinalawig na Martial Law sa Mindanao. Ngayong hapon ngaay nagdaos ng isang prayer rally sa city public plaza ang ibat-ibang grupo ngpastor na pinangungunahan ng Local Government Unit para katigan ang Extensionng Martial Law sa pulo ng Mindanao.
Nagtipon tiponngayong hapon ang mga empleyado ng gobyerno, ibat-ibang sector at grupo paradumalo sa nasabing prayer rally. May malaking monitor rin sa stage ng rizalpark para doon na manood ng State of the Nation Address o SONA ni PangulongRodrigo Duterte.
Pero sa kabila ng kanilang idinaos na prayer rallydumating ang isang grupo ng makabayan at tindig para salungatin ang pagpabor ngLGU ng Iligan sa extension ng Martial Law.
Tutol ang nasabing grupo sa Martial Law sapagkat pawangnawawalan na sila ng karapatan para kumilos at mamuhay.
Kwenistyon rin nila ang pagpapailis sa kanila ng mgapulis sa kanilang pwesto na pinagraraliran sapagkat may permit naman silangpinanghahawakan. Pero nanindigan ang PNP Iligan na tampered at peke ang dalangpermit ng mga militanteng grupo kayat pinaalis nila ito.